Huwebes, Marso 10, 2016

Ang aking natutunan



Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumatalakay sa produksyon, distribusyon, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at paglilingkod. Nakabatay ang pag aaral na ito sa suliranin kung paano matutugunan ng limitadong pinagkukunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Pinag-aaralan kung paano pinipili ng bawat indibidwal, pangkat, kalakal o pamahalaan ang sistemang lulutas sa mga suliraning pang-ekonomiya.

Natutunan kong sa pag aaral ng ekonomiks ang kahalagahan nito sa ating buhay. Kahit kaming mga kabataan ay may maitutulong para sa ikauunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng aming pag aaral nito. Maaari kaming makatulong sa mga simpleng paraan. Isa dito ay ang pagiging makabayan o ang pagmamahal sa sariling produkto. Kung payuloy namin o nating susuportahan ang ating mga pambansang produkto, lalago ito na siyang magbubunga ng ating pag unlad.

Natutunan ko rin kung paano ang tamang pagpapatakbo ng isang negosyo. Hindi ito basta basta at kinakailangan dumaan sa mga madugong proseso gaya ng business proposal at defense. Natutunan ko ring gumamit ng pera sa angkop na paraan. Mula sa pagtatawad sa mga bilihin hanggang sa pagbibilang ng kinita ay naging leksyon ng ekonomiks sa akin.

22 komento:

  1. Thank you ate gurl Godbless🤗😊

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat sa sagot hindi na ako nahirapan... Thank You

    TumugonBurahin
  3. salamat po sa sagot malaking tulong po ito

    TumugonBurahin